^

Bansa

Hapones pumalag sa harassment

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang Japanese national ang umano’y hina-harass ng umano’y may-ari ng isang shipping company at anim pang kasama nito makaraang sampahan ng kasong paglabag sa Anti-Dummy Law sa Manila Regional Trial Court.

Sa isang kalatas, sinabi ni Masaya Yorozu, na handa niyang harapin ang isinampang kaso laban sa kanya pero huwag umano sana siyang i-harass at idaan sa ‘trial by publicity’ ang demanda.

Sinabi ni Yorozu, iba’t ibang black propaganda at misinformation umano sa media ang ipinapakalat ng umano’y dati niyang kasosyo sa negosyo.

Aniya, hindi pa nagsisi­mula ang paglilitis sa korte ng Anti-Dummy case na isinampa sa kanya ni Dionnie Guerrero subalit iba’t ibang uri na ng black propaganda at panggigipit umano ang ginagawa ng huli sa kanya.

Kabilang umano sa mga harassment sa kanya ay ang pagpapalabas ng paid advertisement sa isang tabloid na may petsang December 21, 2011, kung saan ang kanyang litrato at ni Charito Abalayan Rangel ay nagtatago umano sa batas bunsod ng warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanila ng korte.

Sinabi ni Yorozu bago siya umuwi ng bansang Japan noong December 19, 2011 para asikasuhin ang iba pa niyang negosyo ay nakapag­lagak na siya ng piyansa sa korte at nagsabing handa niyang harapin ang demandang inihain ni Guerrero laban sa kanya.

Kinastigo ni Yorozu ang umano’y libelous na paid advertisement kaya inihahanda na ngayon ng kanyang abogado ang pagsasampa ng kasong libelo laban mga taong nasa likod ng paninira sa kanila.

ANTI-DUMMY LAW

CHARITO ABALAYAN RANGEL

DIONNIE GUERRERO

ISANG JAPANESE

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MASAYA YOROZU

UMANO

YOROZU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with