NFA rice hindi na madadaya
MANILA, Philippines - Matapos matuklasan ng gobyerno noong mga nakalipas na taon na nadadaya ang NFA rice sa pamamagitan ng paghahalo ng ilang komersyal na bigas dito at ibinebenta sa mas mataas na presyo, siniguro ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) na hindi na muli itong mangyayari.
Sa pahayag ni NFA Chief for Public Affairs Rex Estoperez sa ginanap na Talking Points na inorganisa ng Philippine Information Agency (PIA), ibinalita nito na ngayon ay wala nang posibilidad na madaya pa ang NFA rice dahil iisa na lamang ang itinakdang presyo ng naturang ahensya na nagkakahalaga ng P27 kada kilo.
Bukod dito, dahil sa manilaw-nilaw na kulay ng NFA rice na bunga ng pagpoproseso nito upang maging “iron fortified rice”, mahihirapan na ang ilang naghahalo nito sa komersyal na bigas dahil magiging kapansin-pansin ang pagkakaiba sa kulay ng dalawang uri ng bigas.
Ayon kay Estoperez, isa sa mandato ni Pangulong Aquino ang patuloy na produksyon ng “iron fortified rice” dahil napatunayan ang magandang epekto nito sa kalusugan ng bawat taong kakain ng naturang bigas.
- Latest
- Trending