^

Bansa

Pamilyang nasalanta ni Sendong ampunin muna sa araw ng Pasko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bilang pagsasabuhay ng mga pangaral ni Hesukristo, mungkahi ng Simbahang Katoliko na maaring pasayahin at bigyan ng pansamantalang matutuluyan ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Sendong, kahit ilang araw lamang o mismong sa Noche Buena.

Ito ang tila panawagan ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma sa isinusulong niyang ‘Adopt-a-family program’ patungkol sa mga pamil­yang nabiktima ni Sendong.

Kung mayroon uma­nong ginintuang puso ang mga may kakayahan sa buhay, maari nilang pawiin ang pagluluksa ng mga nabiktima ng hagupit ni Sendong, kahit ngayong Pasko at Bagong Taon lamang kung aampunin pansamantala ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng tahanan at nawalan din ng ari-arian upang makapagdiwang ng Pasko at maidaos ang Noche Buena ng may makakain.

Dapat na pagtulungan ng mga nakakaalwan ang pagbangon ng mga pamil­yang apektado upang hindi sila mawalan ng pag-asa sa buhay.

BAGONG TAON

BILANG

DAPAT

HESUKRISTO

NOCHE BUENA

ORO ARCHBISHOP ANTONIO LEDESMA

PASKO

SENDONG

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with