^

Bansa

Pinoy pinalilikas sa Syria!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dahil sa tumitinding­ karahasan sa Syria, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert mula sa alert level 3 sa alert level 4 para sa kaligtasan ng libu-libong Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

“In view of the escalating violence in Syria, the Department of Fo­reign Affairs will be raising Alert Level 4 for the entire country of Syria effective today,” ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario.

Bunsod nito, may 17,000 Pinoy ang kina­kailangang ipasailalim sa mandatory evacuation o sapilitang paglilikas na gagastusan ng pamahalaan bunsod ng tumataas na tensyon doon na nagsimula pa noong Pebrero.

Inatasan ni del Rosario si Executive Director for Migrant Workers Affairs, Ambassador Ri­cardo M. Endaya, na agad na tumungo sa Syria upang mag-assist sa Philippine Embassy para sa mabilisang paglilikas sa mga Pinoy na naiipit sa karahasan.

Pinapayuhan ang mga Pinoy sa Syria na panatilihing nakabukas ang kanilang komunikas­yon sa Embahada at sa mga community at ipa­alam ang kanilang kina­roroonan.

Mula sa tinatayang 17,000 Pinoy sa Syria, may 5,000 Pinoy lamang ang naka-rehistro sa Embahada sa Damascus.

Noong Agosto 16 ay nasa alert level 3 lamang ang crisis alert sa Syria kung saan sinimulan ang voluntary evacuation sa mga Pinoy na karamihan ay undocumented.

Binuksan na rin ng Embahada ang kanilang number na 00-963-116-132626 para sa Pinoy at kanilang pamilya na hihingi ng assistance at may mga katanungan. Maaari rin silang makipag-komunikasyon sa pamamagitan ng Embassy’s e-mail address [email protected].

Sa Manila, pinagana na ng DFA ang kanilang hot­line na 834-3245 at 834-3240 para sa nagna­nais na ma­laman ang ka­la­gayan ng kanilang ka­anak sa Syria.

vuukle comment

ALERT LEVEL

AMBASSADOR RI

DEPARTMENT OF FO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

EXECUTIVE DIRECTOR

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT F

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with