^

Bansa

Relief mission ng Lucio Tan Group umarangkada

-

MANILA, Philippines - Tumulak na ang ma­lawakang relief drive ng Lucio Tan Group sa mga nasalanta at nasawi sa trahedyang dulot ng bag­yong Sendong sa Hila­gang Mindanao at mga karatig lalawigan.

Sinimulan ng Philippine Airlines (PAL) kahapon na ilipad nang wa­lang bayad ang libu-libong pakete ng pagkain, tubig, damit at maging body bags na maaaring paglagyan sa mga nasawing biktima ng baha.

Pinangunahan ang relief drive ng Tan Yan Kee Foundation at mga Tan companies tulad ng Asia Brewery, Agua Vida, Tanduay, PMFTC at iba pang partner organizations.

Kasama sa mga ipa­pamahagi ang relief goods para sa 10,000 pamilya, 350,000 bote ng Absolute at Summit water, damit at tsinelas. Kasalukuyang bu­mibiyahe na rin patu­ngong Cagayan de Oro at Iligan ang dalawang mobile water stations ng Agua Vida na kayang mag-supply ng 16,000 litro ng malinis na inuming tubig kada araw.

Sa pamamagitan ng Tan Yan Kee Foundation, nag-donate din ang Fo Guang Shan Buddhist monastery sa Taipei ng 1,000 body bags at 5,000 kumot. Isinakay ng PAL nang walang bayad ang donasyon mula Taiwan pa­tungong Maynila at Ca­gayan de Oro.

Katuwang rin ng Tan Yan Kee Foundation ang American Chamber of Com­merce na nagbigay ng banig, kulambo at 2,000 pakete ng relief goods.

Tutulak ngayong Biyernes ang mga kina­ta­­wan ng Tan Yan Kee Foundation kasama sina Venerable Miao Jing, pinuno ng Fo Guang Shan Temple Philippines, Ve­nerable Miao Geng, Alvin Sia Tan at Beau Floreno­sos. Bukod sa relief mission, mag-aalay ang grupo ng panalangin para sa mga biktima ng kalamidad.

Noong Martes, personal na bumisita si PAL Chairman Lucio Tan sa Cagayan de Oro upang pa­ngunahan ang relief ope­rations kasama ang mga pinuno ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Cagayan de Oro Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry and Federation of Filipino-Chinese Associations of the Philippines, Inc.

vuukle comment

AGUA VIDA

ALVIN SIA TAN

AMERICAN CHAMBER OF COM

ASIA BREWERY

BEAU FLORENO

ORO

SHY

TAN YAN KEE FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with