^

Bansa

Solon pinakakastigo

-

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni House Speaker Feliciano Belmonte si Anad Party list Rep. Pastor Al­cober matapos akusahan ang mga kongresista na tumanggap ng tig-isang milyon piso kapalit ang pagpirma sa impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Belmonte na inatasan na niya ang House Committee on Ethics upang imbestigahan si Alcober.

Paliwanag ng House Speaker, walang basehan ang akusasyon ni Alcober dahil wala namang kapalit ang pagsuporta nila sa reklamong pagpapatalsik laban kay Corona.

Siniguro ni Belmonte na mismong ang mga kongresista ang maghahain ng reklamo laban kay Al­cober dahil sa mga walang basehang akusasyon.

Sinuportahan naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang hakbang ni Belmonte at si­nabing tama lamang na disiplinahin si Alcober.

Giit ni Evardone, nakakasira umano sa imahe ng institusyon ang mga akusasyon ni Alcober lalo na at isa rin itong mam­babatas.

Sa lumabas na pahayag, sinabi ni Alcover na “They said they accepted because they want to give Christmas presents to their constituents. They’re shameless.”

Binatikos din ni Alco­ver si Pangulong Aquino dahil sa pagkakaroon ng victory party para sa 188 na pumirma sa impeachment. (Butch Quejada/Gemma Garcia)

ALCOBER

ANAD PARTY

BELMONTE

BEN EVARDONE

BUTCH QUEJADA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

EASTERN SAMAR REP

GEMMA GARCIA

HOUSE SP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with