MANILA, Philippines - Hindi lamang ang firecrackers at fireworks ang peligrosong gamitin sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon dahil maging ang simpleng ‘torotot’ ay maaring makamatay.
Paalala ito ng Department of Health-Food and Drug Administration (DPH-FDA) kahapon sa publiko dahil sa inaasahang pagsapit ng pagdiriwang na maaring maisantabi ang mga pag-iingat.
Sa talaan ng FDA, noong nakalipas na taon, dalawang bata na nagkaka-edad ng 3 at 8 ang nakalunok ng nakalas na bahagi ng torotot na nagbibigay-tunog. Sila ay isinugod sa ospital upang maalis ang nasabing object sa lalamunan na maaring maging dahilan ng kamatayan.
“Certain types of torotot are made locally from plastic, foil and paper attached together using adhesives and are used to produce noise the celebration of the New Year. These parts may be removed during use and might be swallowed by the children,” anang FDA.