IBP prexy tinabla sa Corona isyu
MANILA, Philippines - Hindi umano nakonsulta at hindi pananaw ng lahat ng miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pahayag ni IBP National President Roan Libarios na naka-de pensa ang lahat sa kanila para ipaglaban ang kaso ni impeached Chief Justice Renato Corona.
Ayon kay Mario Reyes, miyembro ng IBP, ikinagulat nila ang mga pahayag ni Libarios gayong hindi naman sila lahat nakakausap nito para magbigay ng saloobin sa naganap na usapin.
“The views expressed by the IBP president are his own and do not reflect the views of the majority of the members of the IBP who were not consulted,” pahayag ni Reyes.
Anya, mayroong charter ang IBP para konsultahin ni Libarios sa buong bansa pero hindi dapat nito gagamitin ang IBP para magpahayag ng statement na mula lamang sa kanya at hindi mula sa lahat ng miembro ng IBP.
“Salita siya ng salita, hindi naman namin alam ang mga sinasabi niya, kami andito para tumulong na ayusin ang justice system sa bansa at maibalik sa dati ang tiwala ng tao sa hudikatura at kung sino ang nasasakdal dapat harapin nito,” pahayag ni Reyes.
Anya, kung nasasakdal man si Corona, kailangang harapin niya ang kanyang kaso at hindi dapat manawagan sa lahat ng Justices at Judges para dito dahil si Corona anya ay member ng Supreme Court at ang kaso nito ay hindi kaso ng lahat.
“Kailangan magsama-sama tayo na linisin ang justice system ng bansa ang mga kawatan alisin, kung ipinagtatanggol ni Libarios si Corona, wag gamitin ang IBP, magresign siya sa IBP at mag-aplay na lang na spokesman ni Corona.
Binigyang diin ni Reyes na sa ngayon ay marami ng abogado ang ayaw ng mag-practice ng law dahil sa nangyayari.
Magugunitang nagulo ang mundo ng mga justices at judges nang ma-impeached si Corona bilang chief justice dahil ito anya ay bunga ng midnight appointee ni dating Pangulong Gloia Arroyo at sa hinalang ito ang magpapawalang sala sa dating chief executive sa sari-saring kaso nito tulad ng electoral fraud, graft at iba pa.
- Latest
- Trending