'Kutitap' libre sa Star City
MANILA, Philippines - Mapapanood ng libre ng mga bibisita sa Star City ngayong kapaskuhan ang pinaka-bagong all-Filipino ballet na pinamagatang “Kutitap”, isang makulay na produksyon ng Ballet Manila, gamit ang mga tanyag ng awiting pamasko. Samahan ang isang anghel na nagkatawang-tao upang hanapin ang tunay na diwa ng Pasko sa makabagong galaw ng mundo at nag-iibang anyo ng mga pamilyang Pilipino. Kabilang sa mga cheographers sa “Kutitap” sina Lisa Macuja-Elizalde, Osias Barroso, Rudy de Dios, Gerardo Francisco, Niño Guevarra, Michael Divinagracia, Ricardo Mallari, Romeo Peralta at Roduardo Ma. Itatanghal ang “Kutitap” sa Aliw Theater, ganap na alas- 7:30 ng gabi mula Disyembre 18-23 at Disyembre 26-30. Magkakaroon naman ng apat na palabas sa Disyembre 25 ng alas-2 at alas- 4 ng hapon, alas-6 at alas-8 ng gabi. Sa New Year’s Day naman, may dalawang palabas sa alas-5 ng hapon at alas-8 ng gabi.
- Latest
- Trending