^

Bansa

IBP nagpakita ng puwersa kay Corona

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinakita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang buong pwersa nito kaugnay sa kinakaharap na impeachment ni Chief Justice Renato Corona.

Sa isang pulong balitaan, sama-samang humarap sa media ang lahat ng governors o kinatawan ng IBP mula sa iba’t ibang lalawigan sa buong bansa sa pangunguna ni IBP President Roan Libarios.

Kasabay nito, sinabi ni Libarios na bumuo na sila ng Impeachment Watch kasama ang mga volunteer lawyers na magmomonitor sa mga development ng impeachment.

Isang IBP communications group din umano ang kanilang binuo naman na naglalayong ipaalam at ipaunawa sa publiko ang epekto ng impeachment at epekto nito sa judicial independence sa bansa.

Sinabi ni Libarios na sa ngayon ay may iba’t ibang institusyon at mga paaralan na ang nag-iimbita sa kanila para magsagawa ng mga forum at debate kaugnay ng impeachment at mga epekto nito.

Nilinaw ni Libarios na ito na lamang ang kanilang magagawa bilang pagsuporta sa punong mahistrado na siyang leader ng hudikatura.

Matapos kasi aniya ang dalawang araw na deliberasyon kasama ang kanilang mga myem­bro hinggil sa aksyon na kanilang maaaring gawin para ipagtanggol ang nasisirang imahe ng hudikatura ay napagkasunduan nila na gumawa ng hakbang na hindi naman masasakripisyo ang kanilang independence.

Magugunitang mistulang inilagay ng Kamara ang sarili sa kapangyarihan na magpaliwanag ng batas sa pamamagitan ng pagpapatalsik kay Corona sa puwesto gamit ang mga desisyong inilabas ng Kataas-taasang Hukuman na sinasabi ngayong unconstitutional.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

HUKUMAN

IMPEACHMENT WATCH

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

IPINAKITA

ISANG

KAMARA

LIBARIOS

PRESIDENT ROAN LIBARIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with