Hagedorn nagoyo sa 'New 7 Wonders'?
MANILA, Philippines - Nauto nga kaya si Puerto Princesa Mayor Hagedorn nang sumali sa patimpalak na New 7 Wonders of the World?
Ito ang pahiwatig ng pahayagang “The Guardian” ng London na nagbunyag sa umano’y kalokohan ng patimpalak na New 7 Wonders of the World na inorganisa ng isang grupong Swiso na nilahukan naman ng Puerto Princesa Underground River (PPUR).
Ayon sa The Gurdian, sikat na dyaryo sa London, ang Maldives at Indonesia umano ay umatras ng suporta sa paghahanap ng “New 7 Wonders of Nature” at nag-akusa na ang organizer ay namimilit na bayaran ng “surprise” fees na umaabot sa $500,000. Sinabi lamang ng New 7 Wonders Foundation na walang basehan ang mga alegasyon.
Ayon sa ilang tourism experts, lumalabas ngayon na ang pagkakasama ng Puerto Princesa Underground River sa listahan ng New 7 Wonders of Nature ay isang panggogoyo lamang ng mga organizers na mga taga Switzerland.
Ang New 7 Wonders of Nature ay isang popularity contest ng isang pribadong kumpanya na Swiso at iniindorso naman ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City sa pamumuno ni Mayor Edward Hagedorn.
Nabatid din na nakatala na sa listahan ng World Heritage sites ng United Nations Education Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang PPUR bilang tourist atraction kaya wala ng duda sa kahalagahan nito bilang isa sa pinakamagandang natural wonders ng mundo, kaya ipinagtataka raw ng ilang concerned tourism officials kung bakit isinali pa ang PPUR.
Ang kumpanyang Swiss o Swiso na New 7 Wonders Foundation ay nauna ng binabatikos ng mga international critics bilang isang moneymaking exercise o malaking negosyo para sa grupo ng mga negosyanteng taga Switzerland.
Ang search para sa “New Seven Wonders of Nature” ay isa lamang sa mga patimpalak na inorganisa ng New 7 Wonders Foundation. Nakalinya din sa kanila ang Seven Great Cities of the World.
“Kailangan dagdagan natin ang impormasyon natin diyan dahil kapag ganyan ang classification yung parang sabi-sabi, hindi natin alam kung paninira o katotohanan iyan so kung kinakailangan, kailangan medyo busisiin iyan. Hindi ko naman sinasabing mag-hearing dahil ang dami na nating asikasuhin na problema, heto pa yung impeachment,” pahayag naman ni Sen. Gringo Honasan.
- Latest
- Trending