1 patay, 7 sugatan sa road mishap
MANILA, Philippines - Kamatayan sa Kapaskuhan ang sumalubong sa isang 43-anyos na misis habang pitong iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa national highway sa Sitio Tacan, Brgy. Ibo sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Venciolita Maglasang na lulan ng pampasaherong jeepney na bumaligtad nang salpukin ng taxi at Toyota Innova.
Sa ulat ng pulisya, lima sa mga nasugatan ay pasahero ng jeepney na sina John Louie Cellon, 19; Ralph John Docusin, 20; Roy Jessie Trepacios, 19; Jerwin Maglasang, 7; at si Novemae Maglasang, 9 at ang driver na si Lantie Lagangga, 31, pawang isinugod sa Lapu-Lapu City District Hospital.
Sugatan din ang driver ng Innova na si Angelito Labor, 44, ng Sitio Angasil. Lumilitaw na bumabagtas sa kahabaan ng Mactan Export Zone sa Brgy. Buaya ang taxi cab nang mag-overtake ito sa sasakyan kung saan nasalpok ang kasalubong na jeepney.
Bumangga rin sa paparating na Innova ang jeepney. Sa nasabing insidente ay tumakas naman ang driver ng taxi na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
- Latest
- Trending