47-anyos sinaksak ng 15-anyos

MANILA, Philippines - Dahil sa malakas na suntok sa dibdib, gumanti at pinagsasaksak ng isang  15-anyos na binatilyo ang nakaaway na 47-anyos na mister sa Sitio Bliss, Barangay Labangon, Cebu City, Cebu kama­kalawa ng gabi.

Ang suspek na itinago sa pangalang Archie, 3rd year high school student habang isinugod naman sa Cebu City Medical Center  ang biktimang si Arcadio Masucol, nagtamo ng mga saksak sa likurang bahagi ng ka­tawan.

Sa ulat ng pulisya, habang nag-iinuman ang biktima at mga kabar­kada nito, napadaan ang bina­tilyo. Dahil sa kalasingan ng biktima ay napagtripang suntukin ito ng malakas sa dibdib kaya napalupasay.

Gayun pa man, umuwi ang binatilyo at kumuha ng matalim na kutsilyo na itinarak nito sa senglot na suspek.

Isinuko naman ng ama sa mga opisyal ng ba­rangay ang suspek kung saan dinala ito sa himpilan ng pulisya bago dalhin sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Show comments