47-anyos sinaksak ng 15-anyos
MANILA, Philippines - Dahil sa malakas na suntok sa dibdib, gumanti at pinagsasaksak ng isang 15-anyos na binatilyo ang nakaaway na 47-anyos na mister sa Sitio Bliss, Barangay Labangon, Cebu City, Cebu kamakalawa ng gabi.
Ang suspek na itinago sa pangalang Archie, 3rd year high school student habang isinugod naman sa Cebu City Medical Center ang biktimang si Arcadio Masucol, nagtamo ng mga saksak sa likurang bahagi ng katawan.
Sa ulat ng pulisya, habang nag-iinuman ang biktima at mga kabarkada nito, napadaan ang binatilyo. Dahil sa kalasingan ng biktima ay napagtripang suntukin ito ng malakas sa dibdib kaya napalupasay.
Gayun pa man, umuwi ang binatilyo at kumuha ng matalim na kutsilyo na itinarak nito sa senglot na suspek.
Isinuko naman ng ama sa mga opisyal ng barangay ang suspek kung saan dinala ito sa himpilan ng pulisya bago dalhin sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
- Latest
- Trending