^

Bansa

Makiramay na lang tayo sa biktima ng Sendong - Batocabe

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban na lamang ng ilang kongresista ang magarbong Christmas party bilang pakikisimpatiya sa mga daan-daang biktima ng bagyong Sendong sa mga lalawigan ng Cagayan de Oro at Iligan City.

Ayon kay Ako Bicol party list Rep. Rodel Bato­cabe, sa halip na mag-Christmas party para sa kanilang mga kaibigang supporters at coordinators ay magbibigay na lamang sila ng donasyon na nagkakahalaga ng P250,000.

Sabi ni Batocabe, hindi nila kayang magsaya at magdiwang habang mayroon silang mga kababayan na nagdurusa at naghihirap dahil sa pananalanta ng naturang bagyo dahil naranasan din umano nila ito noong sinalanta ang buong lalawigan ng Bicol ni Bagyong Reming noong Disyembre 2006.

Nanawagan din si Batocabe at Alagad Party list Rep. Rodante Marcoleta na ipagpaliban muna ang Christmas party at anumang uri ng pagsasaya ngayong nalalapit na Kapaskuhan at sa halip ay tulungan na muna ang mga kababayan sa Min­danao na lubhang nasalanta ng bagyong Sendong.

AKO BICOL

ALAGAD PARTY

AYON

BAGYONG REMING

BATOCABE

BICOL

DISYEMBRE

ILIGAN CITY

RODANTE MARCOLETA

RODEL BATO

SENDONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with