MANILA, Philippines - Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng mga abogado upang pigilan ang Senado na isagawa ang impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Sa 15-petition, pinangunahan ni Atty. Vladimir Cabigao ang paghahain sa SC ng petisyon na humihiling na mag-isyu ng temporary restraining order at writ of prohibitory injunction laban sa Senate bilang impeachment court.
Ayon kay Cabigao, isang grave abuse of discretion ang ginawa ng Kongreso matapos na madaliin ang impeachment case laban kay Corona.
Paliwanag ni Cabigao, karamihan sa mga mambabatas ay pumirma lamang bagama’t hindi pa nababasa ang complaint.
Haharap si Corona sa impeachment court sa Enero matapos na 188 na mambabatas ang lumagda sa impeachment complaint kabilang na ang paglalabas nito ng kanyang statement of assets and liabilities at pagpabor sa kay Gloria Macapagal-Arroyo-related cases.