Party-list solon sinibak!
MANILA, Philippines - Tinanggal ang isang party-list Congressman matapos itong alisin sa kanyang kinabibilangang organisasyon.
Base sa liham na may petsang Disyembre 15 ni Ating Koop Secretary General Romeo Candazo kay House Speaker Feliciano Belmonte, ipinagbigay alam nito na napagdesisyunan ng central committee ng kanilang grupo na tanggalin si Ating Koop party List Rep. Isidro Lico.
Itinalaga din bilang kapalit ni Lico si Roberto Mascarina, ikalawang nominado ng organisasyon.
Si Lico ay tinanggal sa partylist organization dahil sa hindi umano pagsunod sa napagkasunduang term-sharing kay Mascarina at kabiguan na sumunod sa naging desisyon ng central committee na nag-aatas sa kanya na sumunod sa naturang kasunduan.
Isang kopya ng “irrevocable” letter of resignation ni Lico ang iprinisinta ng organisasyon.
Sa halip na sumunod sa desisyon na nilagdaan noong November 21 ng siyam sa 11 miyembro ng central committee, nagtungo umano si Lico sa Comelec para impormahan ang komisyon na hindi niya kinikilala ang term sharing agreement.
“Under the term sharing agreement, his acts amount to dislo yalty which is a ground for expulsion from the party. Under the party-list law, the same ground is basis for withdrawing a nominee from Congress,” ayon kay Candazo.
Kasalukuyang iniimbestigahan din umano si Lico ng Ombudsman dahil sa paggamit umano ng bahagi sa Ating Koop’s congressional allocation para pondohan ang pagpapagawa ng isang private resort.
- Latest
- Trending