^

Bansa

Sendong palabas na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matapos kumain ng maraming buhay at ari arian, inaasahang lalabas na ng bansa ngayong Linggo ng gabi ang bagyong Sendong.

Batay sa latest monitoring ng PAGASA, ganap na alas-4 ng hapon kahapon, ang bagyong Sendong ay namataan sa layong 220  kilometro kanluran ng Dumaguete City taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanging hanggang 80 kilometro bawat oras.

Ngayong Linggo ng umaga, inaasahang dadaan si Sendong sa Palawan at nasa layong 300 kilometro kanluran timog kanluran ng Puerto Princesa City ngayong hapon at sa bandang gabi ay inaasahang lalabas na ito ng bansa.

Bunsod nito, nakataas pa rin ang babala ng bagyo bilang 2 sa Palawan habang signal no. 1 sa Cuyo at Coron Group of Island sa Luzon at Southern Negros sa Visayas.

Sa Metro Manila, makakaranas ng maulap na kalangitan na may mga paminsan minsang pag-uulan dulot ng habagat.

BATAY

BUNSOD

CORON GROUP OF ISLAND

CUYO

DUMAGUETE CITY

NGAYONG LINGGO

PALAWAN

PUERTO PRINCESA CITY

SA METRO MANILA

SENDONG

SOUTHERN NEGROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with