^

Bansa

Mayor naglabas ng ari sa eroplano

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng alkalde ng Tagbilaran City ang reklamong sexual harassment ng isang flight crew ng eroplano ng Zest Air sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa.

Kinilala ni Airport Police Intelligence and Investigation Division (APD-PIID) head Captain Alden Guy, ang mayor ng Tagbilaran City, Bohol Province na si Dan N. Lim.

Isinumbong ng isang Camille Rose Diaz, flight attendant ng Zest Air at taga Paco, Manila si Lim.

Ayon kay Diaz, sakay sila ng Zest Air flight Z2-353 ga­ling Tagbilaran dakong alas 4:43 ng hapon kamakalawa. Nang lumapag ang eroplano sa runway ng NAIA at papunta sa old domestic airport ay tumayo at gustong magpunta sa banyo ng alkalde pero sinabihan niya ito na hindi pa puwedeng tumayo dahil ang ‘setbelt sign ay naka-on’ dahil nagta-taxi pa ang eroplano.

Sabi ni Diaz, pinakiusapan niya si Mayor Lim na noon ay naka-upo sa 1C na huwag munang magtungo sa banyo dahil may sinusunod aniya silang airline safety procedures.

“No passenger/s is allowed to remove seatbelt until the aircraft is properly parked,” sabi ni Diaz kay Lim.

Dahil dito ay bigla umanong tumayo ang Alkalde at ibinaba daw ang zipper ng kanyang pantalon at brief at hinawakan pa umano ang ari nito.

“Saan mo ako gustong umihi dito?” sabi umano ng mayor at saka umano ipinakita ang ari kay Diaz at sa mga pasahero at kasamahang crew.

Agad inimpormahan ni Diaz ang mga piloto ng eroplano na sina Capt. Ronaldo Ramos at first officer Renato Pitogo tungkol sa pangyayari para humingi ng police assistance pagdating sa old terminal ng paliparan.

Sa pahayag naman ni Mayor Lim, hindi niya puwedeng gawin ang ganitong klase ng kabastusan lalo na sa harapan ng kanyang mga kababayan.

Sinabi ni Cpl. Eduardo Duran, case investigator, pinakiusapan daw ni Mayor Lim ang crew para siya maka-ihi dahil isa siyang diabetic at kailangan niyang umihi.

May regulasyon kasing ipinatutupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ‘that no passenger/s is allowed to use lavatory or stand while the aircraft is in motion for safety measures.’

Nakatakda namang magsampa ng kasong administratibo at kriminal si Lim sa crew ng Zest Air sa Pasay City Prosecutor’s Office.  

AIRPORT POLICE INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

BOHOL PROVINCE

CAMILLE ROSE DIAZ

CAPTAIN ALDEN GUY

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAN N

DIAZ

MAYOR LIM

TAGBILARAN CITY

ZEST AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with