MANILA, Philippines - Epektibo ng tataas ang singil sa tubig sa susunod na taon matapos aprubahan ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang hinihinging water rate increase ng dalawang water concessionaires na Maynilad Waters at Manila Water.
Ayon kay Manny Quizon, chief regulator ng MWSS, aabutin ng P3.91 per cubic meter na taas sa singil sa tubig na sineserbisyuhan ng Maynilad Waters samantalang aabutin sa P3.92 per cubic meter ang taas sa singil sa tubig na sineserbisyuhan ng Manila Waters.
Para anya sa lifeline non-sewered water consumers ng Manila Water, ang mga kumukunsumo ng 10 cubic meters kada buwan ay tataas ng P8.16 ang monthly water billing at ang kumukunsumo ng 20 cubic meters ay madaragdagan ng P31.97 ang buwanang water bill habang P65.38 ang itataas sa babayaran ng mga may konsumong 30 cubic meters kada buwan.
Para sa non-sewered na lifeline consumers ng Maynilad na may konsumong 10 cubic meters kada buwan ay tataas ang water billing ng wala pang P12.00, P24 naman para sa may kunsumong 20 cubic meters at P58 sa 30 cubic meters na konsumo sa isang buwan.
Magiging epektibo ang water rate increase sa loob ng 15 araw matapos ang publication para rito.