^

Bansa

Corona binawalang magsalita ng kanyang mga abogado

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bumalik sa pagiging mahinahon at hindi na magsasalita pa ukol sa isyu ng banggaan ng Korte Suprema at Malacañang si Supreme Court Chief Justice Renato Corona makaraang pagbawalan na ito ng kaniyang mga abugado sa kinakaharap na impeachment.

Ani Corona, pinayuhan siya ng kaniyang legal team na iwasang magpahayag sa publiko ng kahit anong isyu na maaring napapaloob sa articles of impeachment dahil nakasampa na ito sa impeachment court.

Tumanggi naman ang Punong Mahistrado na ihayag kung sino sinong mga batikang hukom at justices ang bubuo ng kanyang legal team na pawang pro-bono lamang o libre ang ibibigay na serbisyo at boluntaryong inalok ang kanilang serbisyo.

Ito ang naoobserbahan din sa isang thanksgiving mass sa Korte Suprema kahapon sa pagsisimula ng kanilang Christmas party kung saan pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle.

Nagpasalamat si Corona nang maghayag ng pasasalamat sa mga empleyado na nagbigay ng suporta sa kaniya.

Sa gitna ng kanyang talumpati sa SC ay naging mahinahon si Corona, ibang iba nang una itong humarap sa mga empleyado, na nagsabing dapat magpamahagi ng pagmamahal ang bawat isa sa kapwa tao.

Sinabi pa ng Punong Mahistrado na kumukuha ito ng lakas sa kaniyang pamilya at sa mga taong sumusuporta sa kanya kabilang ang mga kasamahan sa hudikatura.

vuukle comment

ANI CORONA

BUMALIK

KORTE SUPREMA

MALACA

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO TAGLE

NAGPASALAMAT

PUNONG MAHISTRADO

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with