^

Bansa

Mabigat na parusa sa nagbebenta ng botcha aprub na sa Kamara

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Aprubado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang patawan ng mabigat na parusa ang mga nagbebenta ng botcha o double dead meat.

Isusumite sa Senado ang panukala para makalikha rin sila ng kaparehong panukala at maging isa itong ganap na batas.

Sinabi ni Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, chairman ng House Committee on Agriculture, na mahalaga na maipasa ang panukala dahil lubhang mapa­nganib sa kalusugan ang bocha. Ang mga mahuhuling nagbebenta ng botcha ay makukulong ng hanggang 10 taon at magmumulta ng P1 milyon.

Kasamang naaprubahan sa ikatlong pagbasa ang 18 na iba pang panukala kabilang ang Anti-Bullying Act of 2012 (HB 5496).

Naaprubahan na rin ang HB 5445 na akda ni Laguna Rep. Edgar San Luis na nagbabawal sa mga ospital, pri­bado man o pampubliko, na maniningil sa mga registered nurse na nais makakuha ng experience.

ANTI-BULLYING ACT

APRUBADO

BATANGAS REP

EDGAR SAN LUIS

HOUSE COMMITTEE

ISUSUMITE

KAMARA

KASAMANG

LAGUNA REP

MARK LLANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with