^

Bansa

Court Martial vs 4 Army officers sa Basilan MILF/Sayyaf ambush

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ng Court of Inquiry  (COI) ang pagsasalang sa General Court Martial (GCM) laban sa apat na opisyal ng Philippine Army na umano’y pumalpak sa operasyon na ikinasawi ng 19 sundalo habang 14 pa ang nasugatan sa madugong ambush ng nagsanib na grupo ng Moro Islamic Liberation Front at Abu Sayyaf  sa Al Barka, Basilan  noong Oktubre 18.

Ayon kay Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., bago bumaba sa puwesto ang nagretirong si ret. AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr., ay inaprubahan nito ang rekomendasyon ni COI Chairman Commodore Crispin Mercado para isalang sa GCM ang apat na elite officer ng Philippine Army.

Ang apat na opisyal ay lilitisin sa Articles of War (AW97) conduct prejudicial to good order and military discipline gayundin sa Article 365 ng Revised Penal Code o kapabayaan sa tungkulin.

Hindi naman tinukoy ni Burgos ang mga senior officers.

Una nang sinibak sa puwesto ni ret. Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz si Special Operations Task Force Basilan Commander Col. Alexander Macario at Col. Leo Pena, Commander ng 4th Special Forces Battalion bunga ng command responsibility o pananagutan sa insidente.

Sinabi naman ng ilang sources na kabilang sina Macario at Pena sa isasalang sa court martial.

ABU SAYYAF

AL BARKA

ALEXANDER MACARIO

ARMY CHIEF LT

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

ARTHUR ORTIZ

ARTICLES OF WAR

CHAIRMAN COMMODORE CRISPIN MERCADO

CHIEF OF STAFF GEN

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with