^

Bansa

'Corona mag-resign na lang'

- Nina Malou Escudero at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Posible umanong hindi na matuloy ang pag-upo ng Senado bilang impeachment court kung magbibitiw sa posisyon si Supereme Court (SC) Chief Justice Corona.

Malaki ang paniwala ni Senator Sergio Osmeña III na hindi matutuloy ang paggulong ng impeachment complaint ni Corona sa Senado dahil tiyak umanong mas gugustuhin pa ng chief justice na magbitiw na lamang sa puwesto sa halip na ibilad ang sarili sa matinding kahihiyan.

Ayon kay Osmeña, totoo man o hindi ang mga paratang kay Corona ay tiyak na aabangan ng mga mamamayan ang gagawing trial sa Senado at maihahalintulad ito sa isang telenovela.

Ipinaliwanag pa ni Osmeña na ang layunin ng impeachment complaint ay matanggal sa tungkulin ang inaakusahan pero hindi naman makukulong ang inaakusahan.

Naniniwala si Osmeña na magiging option ngayon ni Corona ang magbitiw na lang sa puwesto katulad ng ginawa ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Inihalimbawa pa ni Osmeña si Corona sa isang landmine na itinanim umano ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Congw. Gloria Macapagal-Arroyo bago ito bumaba sa puwesto.

Samantala, itinuturing ni Malolos Bishop Jose Oliveros na “politically motivated” ang pagkaka-impeach kay Corona.

Ayon kay Bishop Oliveros, nakakalungkot ang pangyayari dahil nawala na ang respeto sa co-equal branches ng government.

Aniya, malaki ang implikasyon at malaking peligro ang mangyayari dahil hindi na naggagalangan ang dalawang sangay ng  pamahalaan.

Ikinagulat din ni Fr. Ranhillo Aquino, dean ng San Beda College Graduate School of Law ang napakabilis na pagpapatibay ng 188 mambabatas sa articles of impeachment laban kay Corona ng hindi dumaan sa House Committee on Rules.

Ayon kay Fr. Aquino, ang hakbang ng Kamara ay isang “dangerous signal” sa balanse ng kapangyarihan ng Executive, Legislative and Judiciary.

Umaasa ang mga obispo na maging independent ang mga Senador bilang impeachment court at titingnan ang mga merito ng kaso laban kay Corona hindi sa pamamagitan ng pamumulitika dahil kapartido ni PNoy ang nag-decide.

Ikinatatakot din ng mga obispo ang paggamit ng gobyerno sa lahat ng kanilang machinery para ibagsak o alisin ang taong balakid sa kanilang kasakiman na makontrol ang Korte Suprema. 

vuukle comment

AYON

BISHOP OLIVEROS

CHIEF JUSTICE CORONA

CORONA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE COMMITTEE

KAY

OSME

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with