^

Bansa

AMLC suportado ang pag-amyenda sa AMLA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng  Anti Money Laundering Council ang isinusulong na panukala ni Sen. Franklin Drilon na amyendahan ang Anti Money Laundering Act (AMLA) particular ang pagpapahintulot na mabusisi ang mga bank accounts ng mga hinahabol ng gobyerno at tuluyan nang matanggal ang bank confidentiality law.

Sinabi ni AMLC Executive Director Vicente Aquino mas magkakaroon ng ngipin ang AMLA kung “ex parte” ang gagawing bank inquiry na s’yang isinusulong sa Senate Bill 3009 ni Sen Drilon, sa pamamagitan ng ex parte bank inquiry ay hindi na kailangan na abisuhan pa ang isang tao na susuriin ang bank accounts nito at hindi na kailangan na magkaroon ng hearing upang idetermina kung may probable cause.

Aminado rin  si Aquino na hindi mapagtatagumpayan ng AMLC ang paghahabol nito sa mga money launderer kung ang batas na ipinatutupad nito ay mayroon ding kakulangan.

Matatandaan na taong 2001 nang ipatupad ang AMLA na ang tunay na layunin ay mahabol ang mga money launderer subalit nagbago ang tunay na pakay nito nang magkaroon ng desisyon ang Korte Suprema sa pamamagitan ni dating Associate Justice Dante Tinga noong 2008 sa kaso ng Republic vs Eugenio kung saan ibinasura nito ang petisyon ng AMLC  na makapagsagawa ng inquiry sa mga bank deposits ng mga opisyal ng Philippine International Airport Terminal Corporation (PIATCO) gayundin ni dating Transportation Secretary Pantaleon Alvarez at dating  DOTC undersecretaries Primitivo Cal at Wilfredo Rivera na mga nangasiwa sa bidding sa pagpapagawa ng NAIA Terminal 3. Sa kasalukuyan, si Tinga at Cal diumano ay magkasama sa kumpanyang Bellwether Advisory, isang consultancy firm.

Ikinatwiran ni Tinga na “de parte” o kailangan dumaan sa hearing ang determinasyon ng hukom kung may probable cause bago pa man maisagawa ng AMLC ang bank inquiry maliban lamang sa kaso ng kidnapping,paglabag sa Dangerous Drugs Act, hijacking at iba pang unlawful activities.

Sinabi ni Sen. Drilon sa kanyang privilege speech sa Senado na ang bank inquiry na hinihingi ng AMLC ay kahalintulad lamang ng search warrant na nangangailang maipatupad agad kung kaya mali umano ang naging posisyon ni Tinga na kailangan pa munang idetermina ang probable cause.

 

vuukle comment

ANTI MONEY LAUNDERING ACT

ANTI MONEY LAUNDERING COUNCIL

ASSOCIATE JUSTICE DANTE TINGA

BANK

BELLWETHER ADVISORY

DRILON

DRUGS ACT

EXECUTIVE DIRECTOR VICENTE AQUINO

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with