^

Bansa

Probe sa P60-B reclamation fund sa Navotas bay giit

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Suportado ng dalawang kongresista na gumawa ng isang masusing imbestigasyon ang gobyerno tungkol sa P60 bilyong reclamation and development fund sa Navotas Bay.

Sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, chairman ng House committee on Metro Manila Development, suportado niya ang imbestigasyon para malinawan ito.

Ayon kay Tiangco, sa pamamagitan ng imbestigasyon ay magkakaalaman kung ano ang orihinal na plano para naman hindi maapektuhan ang mga constituent niya tulad ng mga mangingisda.

Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Rafael Mariano, sa inihaing House Resolution 1746 sa House committee on aquaculture and fisheries resources, pipilitin niyang imbes­tigahan o paimbestigahan ang proyekto na naglalayong bawiin at i-develop ang 3.3 kilometro ng Navotas Bay.

Sabi ni Mariano, mula umano sa kahabaan ng C-4 road hanggang Bgy. Tangos, ang 48.41 na ektarya ng offshore land at ang 22.04 ektarya ng offshore ang masasakop dito.

Napag-alaman, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang magtatayo ng baywalk mula sa C-4 hanggang North Luzon Expressway na dadaan sa mga lungsod ng Malabon, Valenzuela at Caloocan.

Sabi ni Mariano, ilang grupo ng mga magsasaka tulad ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Palamalakaya), Koalisyon Kontra Kumbersiyon ng Manila Bay (KKK-Manila Bay) at ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan ng Navotas (PIGLAS-Navotas) ang tutol sa proyekto.

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HOUSE RESOLUTION

KILUSANG MAMAMALAKAYA

KOALISYON KONTRA KUMBERSIYON

MANILA BAY

MARIANO

METRO MANILA DEVELOPMENT

NAVOTAS

NAVOTAS BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with