Bishop Tagle bagong arsobispo ng Maynila
MANILA, Philippines - Iniluklok kahapon si Rev. Luis Antonio “Chito” Tagle bilang ika-32 Arsobispo ng Manila Archdiocese na idinaos dakong alas 9:00 ng umaga kahapon sa Manila Cathedral, kapalit nang nagretirong si Gaudencio Cardinal Rosales.
Isang dance procession ang sumundo kay Tagle sa Arzobispado de Manila, ng mahigit libong katao kabilang ang 75 Obispo, 800 pari, 500 seminarista, deboto na karamihan ay mga taga-Cavite, kung saan nagsilbi din si Tagle, ang natunghayan sa pagsisimula sa San Agustin Church patungo sa Manila Cathedral.
Isang banal na misa ang idinaos matapos ang instalasyon na pinangunahan ng tatlong cardinal ng Pilipinas na sina Ricardo Cardinal Vidal, Jose Cardinal Sanchez, at Cardinal Rosales, gayundin ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Giuseppe Pinto, at pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Cebu Archbishop Jose Palma.
Nangako naman si Tagle na gagawin niya ang lahat upang mapaglingkuran ang kaniyang nasasakupan.
Si Tagle ay matatandaang hinirang ni Pope Benedict XVI upang pumalit kay Rosales, na nagretiro na sa puwesto sa edad na 79 .
- Latest
- Trending