MANILA, Philippines - Dulot ng patuloy na pag-uulan sa Luzon laluna sa Metro Manila, isinailalim sa red alert status ang Lamesa dam sa Quezon City dahil malamang mag-overflow ang tubig dito bunga ng kawalan ng gate na maaaring buksan upang magpakawala ng tubig.
Ayon sa PAGASA, ang ibang dam ay malapit na ring umabot sa critical level bunga ng patuloy na pag-ulan kayat nagpakawala na ng tubig ang mga ito.
Tatlong gates na ang binuksan sa Ipo dam, anim sa Magat, tatlo sa Angat habang tatlo naman sa Binga.
Bunsod nito, patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira malapit sa naturang mga dam na mag-ingat at ugaliing maging mapagmasid sa paligid para makaiwas sa anumang epektong idudulot ng pagpapakawala ng tubig doon.