MANILA, Philippines - Siniguro ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio Coloma Jr. na inaayos na ang pondo para sa nabiting benepisyo at sweldo ng mga empleyado ng NBN 4.
Sinabi ni Sec. Coloma, naibigay na kahapon ang na-delay na suweldo ng mga NBN 4 employees at inaayos na ang pondo para maibigay na din ang para sa kanilang 13th month pay at iba pang benepisyong nabitin.
Wika pa ni Coloma, hindi nagpapabaya ang PCOO upang masiguro na makuha ng mga NBN employees ang kanilang suweldo at mga benepisyo.
Idinagdag pa ng PCOO chief, minamadali na din nila ang pag-amyenda sa charter ng NBN 4 na nakatakdang talakayin sa Martes sa Senado.
“We are working for the release of funds. We are also working with Congress to amend the charter of the government television station,” wika pa ni Coloma.
Magugunita na nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga empleyado ng NBN 4 dahil sa delayed ng kanilang suweldo, 13th month pay at X’mas bonus gayundin hindi din daw nababayaran ang kanilng overtime pay.