Mga pag-uulan sa Luzon, Visayas magpapatuloy - Pag Asa
MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang mga pag-uulan sa ibat ibang bahagi ng bansa particular na sa Visayas at Southern Luzon bunsod ng makapal na kaulapan sa papawirin na siyang ugat ng walang humpay na pag-ulan.
Bukod sa maulap na kalangitan patuloy ding naapektuhan ang Visayas at Southern Luzon ng low pressure area na nasa kanlurang bahagi ng Palawan.
Dahil dito, pinayuhan ng Pag Asa ang publiko na mag ingat at paghandaan ang patuloy na pagbuhos ng ulan na maaring humantong sa mga pagbaha at paguho ng lupa.
Nanatili naman ang gale warning o babala ng Pag Asa sa mga maliliit na sasakyang pandagat na mag-ingat na maglayag dulot ng malalakas na alon sa karagatang bahagi ng Luzon at Visayas.
Una nang inulat ng Pag Asa na hanggang weekend ay makakaranas ng mga pag uulan ang Metro Manila.
- Latest
- Trending