PDEA kapos sa K-9 dogs
MANILA, Philippines - Isinisi ni Pangulong Aquino sa kakapusan ng mga K-9 dogs ang dahilan ng talamak na drug trafficking sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Aquino, kulang na kulang ang mga K-9 sniffing dogs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para bantayan ang 16 regions, mga sea ports at airports.
Ayon kay PNoy, may 16 lamang na K-9 dogs ang PDEA para bantayan ang 16 regions ng bansa kasama ang mga palirapan at daungan.
Kulang na kulang anya ang mga sniffing dogs na ito ng PDEA upang maharang ang mga ipinupuslit na mga droga papasok ng bansa.
Aniya, namana ng kanyang administrasyon ang problemang ito ng PDEA sa nakaraang rehimeng Arroyo.
Mismong si PDEA director-general Jose Gutierrez Jr. ay nagsabi na bukod sa kakulangan nila sa K-9 dogs ay kulang din sila sa pondo at maging sa human resources upang mabantayan ang bansa mula sa drug smuggling.
Sinabi pa ni Usec. Gutierrez, sa kabila ng kakulangang ito ay sinisikap ng PDEA na huwag silang mapalusutan ng mga drug smugglers.
- Latest
- Trending