^

Bansa

4 kaanak ng bibitaying Pinoy tumulak na pa-China

-

MANILA, Philippines - Lumipad na kahapon patungong China ang apat na kaanak ng 35-anyos Pinoy na nakatakdang bitayin bukas, kasama ang ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) lulan ng China Southern Airlines, flight CZ-3092.

Binigyan ng pamahalaan ng kaukulang tulong ang pamilya ng Pinoy tulad ng tiket sa eroplano at akomodasyon sa China.

Sinabi ni DFA Spokesman Raul Hernandez na sa Disyembre 8 na rin makakapiling o mayayakap ng pamil­ya ang kanilang mahal sa buhay bago isalang sa lethal injection chamber.

Personal namang inabot ni Vice President Jejomar Binay ang huling apela ni Pangulong Aquino kay Charge d’ Affaires Bai Tian, na siyang tumanggap ng liham ng Pa­ngulo na naka-address kay Chinese President Hu Jintao.

Mula kahapon ay wa­lang abiso ang China na papayagan si Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns, na makapunta sa Beijing upang makipag-usap sa mga Chinese officials at sa High People’s Court (HPC).

Mula sa liham ng Pa­ ngulo, umaapela siya na ma­bigyan ng commutation o mapababa ang sentensya ng nasabing Pinoy sa habambuhay na pagkabilanggo.

Naniniwala pa rin si Binay na hindi matutuloy ang bitay. “Hangga’t di pa po nangyayari ang kinakatakutan natin ay mayroon pa po tayong pag-asa,” ani Binay. (Butch Quejada/Ellen Fernando)

vuukle comment

AFFAIRES BAI TIAN

BINAY

BUTCH QUEJADA

CHINA SOUTHERN AIRLINES

CHINESE PRESIDENT HU JINTAO

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

HIGH PEOPLE

MULA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with