MANILA, Philippines - Inianunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagbaba ng 27 sentimos sa kanilang Generation Charge para sa buwan ng Disyembre, o magiging P5.51 mula sa dating P5.79 kada kWh nitong Nobyembre.
Ayon sa Meralco, ang pagbaba ng singil sa Generation Charge ay bunsod nang pagbabawas ng presyo ng kuryenteng nabili mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), na bumagsak ng P3.49 kada kWh, mula sa dating P12.48 per kWh noong Oktubre.
Unang tumaas ang WESM prices noong Oktubre dahil sa generation supply constraint na dala ng maintenance shutdown sa Malampaya natural gas pipeline mula Oktubre 20-26.
Dahil sa pagbabalik sa normal ng operasyon nito noong Nobyembre, ang mga power plants na nakadepende sa Malampaya sa fuel ay nakagawa na ng mas maraming kuryente at nakatulong ito para mabawasan ang kakulangan ng suplay at pagbaba ng presyo ng WESM.
Ang WESM ang source ng 8.9 porsiyento ng energy requirements ng Meralco.