^

Bansa

Gloria umamin ka na!

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ang pag-amin ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang mga nagawang pagkakasala ang wish ni Pangulong Aquino nga­yong kapaskuhan.

Sa question and answer sa Bulong Pulungan Annual X’Mas Party na ginanap sa Sofitel Hotel, Pasay City, sinabi ng Pa­ngulo na sana ay umamin na lamang sa mga pagkakamali ang dating pangulo upang hindi na daw maulit ang nangyaring dayaan sa 2004 at 2007 elections.

Nahaharap sa kasong electoral sabotage si Pampanga Rep. Arroyo kaugnay ng 2007 senatorial elections na naging dahilan upang ipaaresto ito ng Pasay City RTC.

Kasalukuyang naka-hospital arrest si Mrs. Arroyo sa St. Luke’s Medical Center pero iniutos ng korte na ilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Biyernes.

Ang wish naman ni PNoy para kay Chief Justice Renato Corona ay maging tapat sa sinum­paang tungkulin at itaguyod nito ang interes ng nakakarami at hindi ng iilang sector.

Magugunita na harap-harapang binatikos ni Aquino si Corona sa ginanap na 1st Nation Criminal Justice Summit dahil sa pagiging midnight appointee nito ni dating Pangulong Arroyo, 2 araw matapos ang May 2010 elections.

Binatikos ni Aquino ang SC chief dahil sa pagbasura nito sa Truth Commission na dapat ay mag-iimbestiga sa mga katiwalian ng nakaraang administrasyon at ang pagpapalabas nito ng TRO sa Watchlist Order ng DOJ laban kay CGMA.

AQUINO

BULONG PULUNGAN ANNUAL X

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

MAS PARTY

MEDICAL CENTER

MRS. ARROYO

NATION CRIMINAL JUSTICE SUMMIT

PAMPANGA REP

PANGULONG AQUINO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with