^

Bansa

Paggamit ng 'solar light' isinulong

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Magkatuwang na isinusulong ng pamunuan ng Manila Electric Company, pamahalaang lungsod ng San Juan at Rotary Club ang paggamit ng ‘solar light’ para makatipid ang publiko at mapanga­lagaan ang kalikasan.

Ang ‘Liter of Light o Isang litrong liwanag project’ ay pinasimulan kamakailan sa bayan ng San Juan na dinaluhan nina Jeffrey Tarayao, pa­ngulo ng One Meralco Foundation; Mayor Guia Gomez at iba pang local ng pamahalaan ng bayan ng San Juan.

Sinabi ni Mayor Gomez, mababawasan ang basurang plastic at makakatipid sa kuryente ang publiko kapag gumamit ng boteng plastic bilang alternatibong ilaw o solar light.

Sa panig naman ni Tarayao ay kanyang sinabi na maiiwasan ang sunog dahil hindi na magja-jum­per at gagamit ng kandila o gasera ang mga mamamayan partikular iyong nasa squatter area.

Base sa istatistika ng Bureau of Fire Protection (BFP), 90 porsiyento ng nagaganap na sunog sa Metro Manila ay sanhi ng kuryente.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JEFFREY TARAYAO

LITER OF LIGHT

MANILA ELECTRIC

MAYOR GOMEZ

MAYOR GUIA GOMEZ

METRO MANILA

ONE MERALCO FOUNDATION

ROTARY CLUB

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with