MANILA, Philippines - Pabor ang National Parks Development Committee na alisin ang rebulto ni Lapu-Lapu sa Rizal Park sa Maynila.
Sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Juliet Villegas na dapat lamang na alisin ang rebulto ni Lapu-Lapu at sa halip ay dalhin sa Cebu.
Aniya, wala silang nakikitang kaugnayan ni Lapu-Lapu sa Rizal Park. Ang kinatatayuan ni Lapu-Lapu ay dating skating rink.
Nabatid na ang rebulto ni Lapu-Lapu ay ipinatayo ni Senador Richard Gordon.
Samantala, tiniyak naman ni Villegas na ligtas nang mamasyal sa Rizal Park dahil dinagdagan nila ang mga guwardiyang rumoronda gayundin ang ilaw.
Sinabi ni Villegas na pinutol nila ang mga sanga ng mga puno na nagiging balakid at humaharang sa liwanag ng mga ilaw sa paligid ng park.
Aniya, pangunahing layunin ng NPDC ang kaligtasan at kalinisan ng lugar.