^

Bansa

RH Bill wala ng pag-asang lumusot ngayong 2011

- Ni Malou­ Escudero -

MANILA, Philippines - Wala ng pag-asa na maipasa ngayong taon ang kontrobersiyal na Reproductive Health Bill.

Pero agad na nilinaw ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi naman nila sinasadya ang pag-antala sa pagpasa ng panukala kundi marami pa umanong isyu ang dapat klaruhin dito.

Sinabi pa ni Enrile na wala namang dahilan para madaliin ang pagpasa ng panukala lalo pa’t sensitibo ang nasabing panukala.

Mas mabuti na aniyang pag-debatihan ng mabuti ang RH bill lalo pa’t may mga senador na ring nais magtanong tungkol sa isyu.

Ang nasabing panukala ay ipinagtatanggol nina Sens. Miriam Defensor-Santiago at Pia Cayetano.

Nauna ng sinabi nina Cayetano at Santiago na dapat tapusin na ang debatihan sa plenaryo lalo pa’t pina­tatagal lamang umano ito ng mga senador na tutol­ sa panukala. Kabilang si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto­ sa mga hindi pabor sa RH bill.

CAYETANO

ENRILE

KABILANG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAUNA

PERO

PIA CAYETANO

REPRODUCTIVE HEALTH BILL

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER TITO SOTTO

SENATE PRESIDENT JUAN PO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with