MANILA, Philippines - Nagsumite na si Genelyn Magsaysay ng “authenticated” na kopya ng sinumpaang salaysay ng kanyang anak na si Ramona Bautista sa Paranaque City Prosecutor’s Office kahapon.
Pirmado ni Leila Feliciano, ang consul general ng Pilipinas sa bansang Turkey ang affidavit na isinumite ni Ramona na kanyang sinumpaan umano sa naturang bansa.
Inaasahan naman na lulutang rin si Janelle Manahan, kasintahan ng napaslang na si Ramgen Revilla, sa piskalya upang sumpaan ang idinagdag niya sa kanyang affidavit at magbigay pa ng ibang mga impormasyon ukol sa hidwaan na namamayani sa pamilya Bautista na siyang posibleng sanhi umano ng krimen.
Samantala, inilipat na rin sa Parañaque City Jail ang dalawa pang suspek sa pamamaslang na sina Michael Jay Nartea at Francis Tolisora. Una nang idinitine sa naturang bilangguan si Ramon Joseph Bautista, nakakabatang kapatid ni Ramgen, na itinuturo ring utak sa krimen.