MANILA, Philippines - Tuluyan nang malulusaw ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong ng Skoll Foundation sa Gawad Kalinga na tampok sa 2012 Skoll Award for Social Entrepreneurship sa bansa.
Ayon kay Sally Osberg, pangulo at chief executive officer ng Skoll Foundation, trinansporma nina Tony Meloto (tagapangulo ng Gawad Kalinga), Luis Oquinena (executive director ng GK) at ng kanilang team ang malaking bahagi ng Pilipinas. Matagumpay nilang tinularan ang modelo sa kapaligiran ng kalunsuran at kanayunan.
Ang Skoll Foundation ay namuhunan, nag-ugnay at humihimok sa mga social entrepreneurs at innovators na magkapitbisig para malutas ang pangunahing problema ng mundo.
Ang Skoll Award ay naglalaan ng tatlong taong operating support grant sa mga recipients.
Ngayong taon ang Skoll Awardees ay kaisa sa sumisiglang global network sa 91 Skoll social entrepreneurs mula sa 74 samahan na patuloy na lumulutas sa mga problema sa kani- kanilang lugar.
Ang Skoll Awards ay pormal na ipiprisinta ng Skoll Foundation Chairman Jeff Skoll at Osberg sa isang seremonya sa Marso 29, 2012 bilang tampok sa Skoll World Forum sa Oxford, England.
Ang apat na samahan na bibigyang pagkilala ngayong taon ay ang Nidan, Landesa at Proximity Designs, tatlo sa mga ito ay mula sa bansang Asya.
Ang Gawad Kalinga ay tumutulong na makamit ng isang tahimik at productive communities na may 2,000 komunidad sa Pilipinas at iba pang bansa na kinakikitaan ng kahirapan ang mamamayan tulad ng Cambodia, Indonesia, at Papua New Guinea.