^

Bansa

Playgrounds sa Maynila may lead contents

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakalalason ang mga pinturang ginamit sa mga playground  sa lungsod ng Maynila.

Ito ang nabatid mula sa EcoWaste Coalition kung saan umapela ito sa  mga opisyal na magsagawa ng “lead hazard assessments” sa mga naturang pasilidad para na rin sa kalusugan ng mga batang naglalaro sa mga playgrounds.

Nabatid sa Eco­Waste na lumabas sa mga pagsusuri na positibo sa lead ang mga palaruan sa Rizal Park Children’s Playground sa Ermita; Plaza Azul sa Quirino Ave., Pandacan; Plaza de la Virgen sa West Zamora St. sa Pandacan at Dakota Playground sa Adriatico St. sa Malate.?Ayon sa grupo, 16 sa 29 swings, see-saws, monkey bars at iba pang pasilidad ay sumailalim sa X-Ray Fluorescence analyzer kung saan lumitaw ang lead content.

Lumilitaw na sumobra ang laki sa 90 ppm safety limit ang mga pintura na ginamit ayon sa US Consumer Product Safety Improvement Act.? Idinagdag pa ng grupo na nakapagtala ng pinakamataas na lead content ang mga palaruan sa Dakota playground, na umaabot sa 44,800 ppm hanggang 200,700 ppm.

Nabatid naman kay Engr. Deng Manimbo, parks and recreation bureau director, kailangan din nilang malaman kung paano isinagawa ang pagsusuri. Aniya dapat na isinagawa ang test sa mga kamay ng batang nag­lalaro sa mga  palaruan.

Tiniyak din ni Manimbo na ligtas ang mga pintura na kanilang ginamit dahil ang kapakanan ng mga bata at publiko ang kanilang pangunahing isinasaalang-alang.

ADRIATICO ST.

CONSUMER PRODUCT SAFETY IMPROVEMENT ACT

DAKOTA PLAYGROUND

DENG MANIMBO

NABATID

PANDACAN

PLAZA AZUL

QUIRINO AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with