^

Bansa

Term sharing kay Drilon hindi okay kay Enrile

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Walang balak na makipaghatian ng termino si Senate President Juan Ponce Enrile kay Senator Franklin Drilon bilang lider ng Senado.

Ginawa ni Enrile ang pahayag sa gitna ng tsismis na posibleng magkaroon ng kudeta sa Senado kung saan ang ipapalit umano sa kaniya ay si Drilon.

Ayon kay Enrile, ang posisyon niya bilang senador ay ibinigay sa kaniya ng mga mamamayan samantalang ang posisyon niya bilang Senate President ay ipinagkaloob ng mga kasamahang senador kaya walang dahilan upang i-share niya ito sa kahit na sinong senador.

Pero nilinaw ni Enrile na hindi siya kapit-tuko sa kaniyang posisyon at handa siyang bumaba sa puwesto basta’t magkakaroon ng 13 boto ang nais kumuha ng kaniyang puwesto.

“From day one I told Senator Drilon, Senator Pangilinan and everybody that anytime they do not want me anymore just present to me the numbers. If they want me to resign, I will resign. They can get somebody else to take over,” sabi ni Enrile.

Sina Drilon at Pangilinan ay kapwa miyembro ng Liberal Party na partido ni Pangulong Aquino.

Nilinaw din ni Enrile na hindi naman niya hiningi ang kaniyang posisyon at hindi naman niya ito puwedeng abandonahin dahil lamang sa may mga senador na naghahangad nito.

vuukle comment

AYON

DRILON

ENRILE

GINAWA

LIBERAL PARTY

PANGULONG AQUINO

SENADO

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SENATOR PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with