Pinas kulelat sa turismo
MANILA, Philippines - Binatikos ni Manila Rep. Amado Bagatsing ang kahinaan ng tourism program ng gobyernong Aquino.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Bagatsing na nangungulelat pa rin ang Pilipinas sa tourist arrivals sa buong Asya.
Paliwanag ng mambabatas, sa kabila ng maraming bentahe ng turismo ng bansa, umabot lamang umano ng 3.5 milyon na turista ang pumasok dito noong 2010.
Malayong malayo umano ito sa 24.5 milyon tourist sa Malaysia, 15.8 milyon sa Thailand, 11.6 milyon sa Singapore at kahit pa sa 5 million tourist sa Vietnam.
Ayon kay Bagatsing, dapat makinig ang gobyerno sa puna ng mga dayuhan gaya ng batikos na worst airport ang NAIA at reklamo ng katiwalian at scams sa paliparan.
Kung matutugunan umano ito ay kakayanin ng bansa na matamo ang anim na milyong tourist arrivals taun-taon na magbibigay ng 4.5 bilyong dagdag na kita sa pamahalaan at 7.7 million na dagdag trabaho sa mga Pinoy.
- Latest
- Trending