^

Bansa

Shellfish ban ibinabala ng DOH

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) na ilang lugar sa bansa na nakataas ang shellfish ban dahil sa pagtataglay ng red tide kaya’t dapat alamin kung saan nagmula ang mga shellfish bago kainin.

Sa Shellfish Bulletin No. 25 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipinadala sa tanggapan ng DOH, kabilang na rin sa positibo sa red tide toxin ang coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.

Nakasaad rin sa shellfish bulletin ang pagbabawal sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish na nakukuha sa mga naturang lugar. Hindi rin umano ligtas kainin kahit ang alamang o shrimp paste.

Gayunman, nilinaw ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit at alimango, na sariwa at hugasang mabuti.

Nananatili pa rin ang shellfish ban sa Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Masinloc Bay sa Zambales at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

ABUCAY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

DUMANQUILAS BAY

EASTERN SAMAR

MASINLOC BAY

MATARINAO BAY

MURCIELAGOS BAY

SA SHELLFISH BULLETIN NO

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with