^

Bansa

P15-M suit ng Morong 43 'di aatrasan ng Phil. Army

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walang atrasan at nakahanda ang Philippine Army na harapin ang utos ni Quezon City Judge Ma Luisa Quijano Padilla na sagutin at ipaliwanag ng mga ilang mga opisyal nito ang P15 million suit na isinampa ng Morong 43.

Kasabay nito, ayon kay Army Spokesman Major Harold Cabunoc, naninindigan ang kanilang hukbo na mga lehitimong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kanilang inaresto sa raid sa Morong, Rizal noong Pebrero 6, 2010 o ang mga rebeldeng binansagang “Morong 43 “.

Sinabi ni Cabunoc na may mga nakalap na ebidensya ang tropa ng militar na magpapatunay na ang 43 kataong inaresto ay mga rebeldeng komunista taliwas sa kasinungalingan umanong pinalilitaw ng mga ito na sila’y mga ‘health workers’.

Una nang inihayag ng Army na lima lamang ang mga doktor at nurse sa mga naaresto at karamihan sa mga ito ay mga peke bagaman ilan sa mga ito ay mga medics o mga albularyo ng mga rebelde o yaong tinaguriang mga ‘quack doctor ‘.

“All of the 43 members are full-time NPA cadres who are listed on the Periodic Status Report and some have records of previous arrests,” ani Cabunoc.

Sa katunayan, ayon pa kay Cabunoc, sa raid sa Morong 43 noong 2006 ay nasamsam ang sari-saring mga armas, bala at mga eksplosibo.

Idinagdag pa ni Cabunoc na matapos palayain ng korte ang 38 na lang sa Morong 43 dahil pumanig na sa gobyerno ang lima sa mga ito, ay muling namundok ang naturang grupo.

Sa rekord ng Philippine Army, kabilang sa mga mu­ling namundok sina Linda Racel Ontañes at Pearl Irene DR Martinez na muling nagbalik sa Kilusang Gerilya na namataan sa Rodriguez, Rizal noong Pebrero 25, 2011.

Idinagdag pa dito sina Janice Javier at Yolanda Yaon ay nakasagupa naman ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force sa Balayan, Batangas.

vuukle comment

ARMY SPOKESMAN MAJOR HAROLD CABUNOC

CABUNOC

COMBAT GROUP

IDINAGDAG

JANICE JAVIER

KILUSANG GERILYA

LINDA RACEL ONTA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with