MANILA, Philippines - Suportado ni House deputy Speaker Erin Tañada III ang panawagan na mag-inhibit si Supreme Court chief justice Renato Corona sa pagdinig ng kaso ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Sinabi ni Tañada, dapat aniyang dumestansya si Corona sa mga kaso ni Arroyo, na siyang nagtalaga sa kanya sa puwesto.
“Inhibit yourself and let the Supreme Court restore the public’s trust in the integrity of our legal processes to which we have subjected the former president,” ani Tañada. “I am making this appeal not because he was appointed to his current post by the former president, but because I sincerely believe that given their long history together, he can no longer not distance himself and be objective in his work as chief justice.”
Ayon kay Tañada, mahalaga na maibalik ang kredibilidad ng Korte Suprema upang maging patas ang pagtingin sa magiging desisyon nito sa mga kaso ng dating Pangulo.