Pagsibak sa PLLO chief ni PNoy suportado sa Kamara
MANILA, Philippines - Suportado ng ilang kongresista ang pagsibak ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinuno ng Presidential Legislative Liason Officer ng Kamara na si dating Bataan Rep. Antonio Roman.
Sinabi ng isang kongresista, na ayaw ipabanggit ang pangalan, naniniwala siyang ginawang hakbang ni PNoy na para sa ikabubuti ng pamahalaan partikular ang ugnayan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Malacañang.
Kahit may nagawa umanong kabutihan si Roman sa pamumuno sa PLLO, kampante na may iba pang maaaring makapagbigay ng mas mahusay na pamamalakad tulad ni dating Cagayan Congressman Manuel Mamba.
Sinasabing nang maging mambabatas si Mamba ay ipinakita nito ang mga katangian ng isang mahusay na lider.
Napag-alaman, isinasangkot si Roman sa P860 milyong ginastos umano para sa pagkain lamang ng mga mambabatas at opisyales ng Malacañang na dumalo nitong nagdaang Agosto sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) kung kaya’t iniutos umano ni PNoy na alisin ito sa posisyon.
Mas mabuti pa si Mamba ang makuha para maipatupad ang programa ng pamahalaang Aquino na “Daang Matuwid” sa gobyerno na walang lugar ang katiwalian.
- Latest
- Trending