MANILA, Philippines - Gusto ni Senator Miriam Defensor-Santiago na tapusin na ng kanyang mga kasamahang senador ang debatihan sa kontrobersiyal na Reproductive Healh Bill na nabitin dahil binigyan nila ng prayoridad ang pagpasa ng 2012 national budget.
Ayon kay Santiago, maari ng pagbotohan ang panukala lalo pa’t napakatagal na itong pinagdedebatihan.
Si Santiago at Sen.Pia Cayetano ang nagsusulong at nagtatanggol sa plenaryo ng kontrobersiyal na panukala na kinokontra naman nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Leader Tito Sotto.
Dumalo kahapon si Santiago sa symposium tungkol sa RH sa Muntinlupa City kung saan ipinaliwanag niya ang panukala sa harap ng mga estudyante.
Balak ni Santiago na maghain ng mosyon upang masimulan na ang period of amendments.