Bill sa cigarette warning pinamamadali
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Kasangga party - list Rep. Ted Haresco ang Kongreso na madaliin ang pagpapatibay ng isang panukalang-batas na mag-oobliga sa paglalagay sa mga pakete ng mga sigarilyo ng larawan na nagbababala sa masamang epekto nito sa kalusugan.
Sinabi ni Haresco na ang Picture-Based Health Warning Act ay magiging isang epektibong sandata para mamulat ang mga Pilipino sa masamang epekto ng paghitit ng sigarilyo sa kalusugan ng tao.
Ang picture-based warning label ay binubuo ng litrato na nagbababala sa peligro sa kalusugan at iba pang problemang kaugnay ng paninigarilyo. Kasama rito ang teksto ng babala.
“Kung ano ang nakikita mo, iyan ang makukuha mo. Ang picture-based warning sa pakete at karton ng sigarilyo ay mahigpit na nakabatay sa layuning matulungan ang publiko na maunawaan ang malulubhang sakit na idinudulot ng paninigarilyo kapag nakikita nila ang nakakariramim na litrato ng panganib nito sa kalusugan sa mga kaha ng sigarilyo,” paliwanag ni Haresco.
Binanggit pa ng mambabatas na, batay sa isang pag-aaral ng World Health Organization, 27 porsiyento ng mga kabataang Pilipino mula 13 hanggang 15 anyos ay naninigarilyo na. Tumaas ito nang 30 porsiyento sa nagdaang dalawang taon. Sinasabi rin na mas malaki ang tsansang hindi maninigarilyo ang mga kabataan kung alam nila ang tunay na panganib sa kalusugan nito
- Latest
- Trending