^

Bansa

'Maguindanao' case ni CGMA nai-raffle na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Na-raffle na sa sala ni Quezon City Judge Catherine Manodon ng Regional Trial Court’s Branch 104 ang P15 milyong damage suit  na naisampa ng mga naulila ng Maguindanao massacre laban kay dating Pangulo na ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Arroyo ay pinagpapanagot ng mga complainant sa naturang masaker dahil siya ang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines ng mangyari ang krimen.

Itinakda naman ni Manodon ang unang pagdinig sa kaso sa December 9 upang mabusisi ang apela ng 15 complainant laban sa dating pangulo.

Nagsampa ng kaso laban kay Arroyo ang naulila ng mga biktima ng masaker para sa moral at exemplary damages na may halagang P1 milyon bawat isa sa 15 claimants.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ITINAKDA

MAGUINDANAO

MANODON

NAGSAMPA

PAMPANGA REP

QUEZON CITY JUDGE CATHERINE MANODON

REGIONAL TRIAL COURT

SI ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with