^

Bansa

10,000 bahay sa slum areas sa MM iilawan ng solar bottle bulbs

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Aabot sa 10,000 mga mahihirap na tahanan sa mga slum areas sa Metro Manila ang iilawan ng ‘solar bottle bulbs’ kaugnay ng “Isang Botelyang Liwanag Project” na ilulunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pakikipagtulu­ngan ng mga volunteer organization. Ayon kay Lt. Col. Samuel Sagun, Group Commander ng 7th Civil Relations Group sa pamamagitan ng nasa­bing proyekto ay hindi na babalutin pa ng kadiliman ang mga kabahayang squatter sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila na dahil sa hirap ng buhay ay hindi kayang magpakabit ng kuryente.

Ang “Isang Botelyang Liwanang Project” ay ilulunsad ng Joint Task Force (JTF) Civil Military Operations ng AFP National Capital Region Command sa pakikipagtulungan ng Rotary International District (RID) at My Shelter Foundation (MSF) sa darating na Nobyembre 30 sa Pinaglabanan, San Juan City bilang pilot test ng proyekto.

Nabatid na ang ‘solar bottle bulb’ ay orihinal na imbensiyon ng isang Mang Demy ng San Pedro, Laguna na naga­wang ilawan ang may 5,000 kabahayang mahihirap sa kanilang komunidad. Ang sample ng imbensyon ni Mang Demy ay kumalat sa you tube video na umabot na rin at hinangaan maging sa international community.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CIVIL MILITARY OPERATIONS

CIVIL RELATIONS GROUP

GROUP COMMANDER

ISANG BOTELYANG LIWANAG PROJECT

ISANG BOTELYANG LIWANANG PROJECT

JOINT TASK FORCE

MANG DEMY

METRO MANILA

MY SHELTER FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with